Katanungan
Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya?
Sagot
Hindi lamang ang mga bahagi ng paikot na modelo ng ekonomiya ang may mahalagang gampanin sa ekonomiya ng bansa. Maging ang pamahalaan ay mayroon ding mahalagang tungkulin dito.
Una, sila ang nagsisilbing tagapamahala kung maayos at maunlad ba ang ekonomiya ng bansa. Tungkulin nilang siguruhin na mayroon at wasto ang produksiyon ng mga produkto at serbisyo na kinakailangan ng mga mamamayan.
Ikalawa, tungkulin nilang pag-aralan at tutukan ang paniningil ng buwis sa mga serbisyo at produktong nililikha. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng tulong ang ekonomiya sa kabuuang kabuhayan ng mga mamamayan.
Panghuli, ang pamahalaan din ang nagsisiguro ng ligtas at patas na palitan ng mga produkto ng bawat ekonomiya ng iba-ibang bansa. Nalalaman ng pamahalaan ang mahahalagang hakbang para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa tulong ng iba pang mga bansa.