Bakit Kailangan Ng Ekonomiya Ang Panlabas Na Sektor

Tanong

Bakit kailangan ng ekonomiya ang panlabas na sektor?

Sagot

Kabilang sa paikot na daloy ng ekonomiya ang panlabas na sektor. Dahil kasama ito sa diagram kung paano umuunlad at gumagana ang ekonomiya, mayroon itong mga kahalagahan sa kabuhayan ng isang bansa. Narito ang ilan.

1. Mahalaga ang panlabas na sector dahil hindi lahat ng kailangan natin ay nasa bansa. Kailangan ng ugnayan sa panlabas na sektor o ibang bansa para sa pag-angkat natin ng produkto. Sa Pilipinas, mahalaga ang panlabas na sektor para sa mga produktong petrolyo dahil wala namang sapat na suplay ng enerhiya sa bansa.

2. Ang panlabas na sektor ay nagdaragdag ng kita sa ating ekonomiya. Ang isang bansa ay hindi lamang nag-aangkat mula sa ibang bansa, kung hindi mayroon din silang ipinadadalang produkto sa panlabas na sektor. Karagdagang kita ito para sa bansa dahil ang suplay na mayroon sila ay di nila kayang ubusin, kaya marapat lamang na ibenta ito sa panlabas na sektor.

3. Nagkakaroon ng magandang uganayan ang mga bansa. Mahalaga pa ring mayroong magandang ugnayan ang bawat bansa upang patuloy na makapagpalitan ng mga ideya, teknolohiya, maging lakas-paggawa upang mapanatili ang isang maayos at maunlad na ekonomiya. Mayroong mga bansang mas progresibo sa iba’t ibang aspekto na handa naman nilang ibahagi para sa kaunlaran ng mga kaalyadong bansa o sektor.