Tanong
Bakit naging tanyag si julius caesar?
Sagot
Bagaman isang kilalang mandirigma, higit na naging tanyag si Julius Cesar dahil sa kaniyang pagiging malapit sa masa at pagiging makatao. Nang mapagtagumpayan ang digmaan sa Roma, nakilala ng mundo ang kaniyang uri ng pamamahala dahil mas pinairal niya ang kabutihan at nagkaroon ng puso para sa mahihirap.
Pinatawad niya ang kaniyang mga kaaway. Tinanggap niya rin ang mga plebeian o mga payak na mamamayan upang makapasok sa senado at makapaglingkod sa bayan. Binago niya ang sistema ng pagbubuwis at nagbigay ng hanapbuhay sa maraming nasasakupan. Higit sa lahat, ay iniahon niya ang mga mahihirap sa pagkalimot sa mga utang nito sa pamahalaan.