Katanungan
Dahilan ng paglakas ng bourgeoisie?
Sagot
Makapangyarihan na ang mga bourgeoisie ngunit patuloy na lumakas ang mga ito noong panahon ng medieval France. Narito ang ilang dahilan.
Una, lumakas ang kanilang kita. Karaniwang binubuo ng mga banker, mangangalakal, artisan, shipowner, at iba pang mga negosyante ang mga bourgeoisie. Sinuportahan ng mga mamamayan ang kanilang mga negosyo kaya lumaki ang knailang kita.
Ikalawa, lumakas ang kapit nila sa pamahalaan. Karaniwan sa mga ipinatutupad na patakaran ay pabor sa mga bourgeoisie. Pinaburan sila dahil nagdala naman sila ng pagbabago at pag-unlad sa ilang lungsod at lalawigan sa Europe.
Panghuli, nakatulong sa kanila ang impluwensiya ng mga nobelista tulad nina Jacques Rousseau, Voltaire, at Denis Diderot. Marami ang tumingala sa mga bourgeoisie dahil sa magagandang naisulat nila patungkol sa mga ito.