« Kabanata 9Kabanata 11 »
Mayaman ang kalikasan ng bayan ng San Diego. Malawak ang mga bukirin nito at mayroong ilog at lawa sa paligid. Ito ang dahilan kung bakit marami ang nagagandahan sa bayang ito.
Noon daw ay may isang matandang Espanyol na nagka-interes sa bayan. Bagaman wala namang may-ari talaga ng San Diego noon ay nagbigay siya ng kabayaran para sa lupain.
Ngunit ilang araw lamang matapos mabili ang lupa ay nagpatiwakal ito sa hindi nalamang dahilan.
Buwan ang lumipas at mayroong isang binata na dumating sa bayan at nagpakilalang anak ng nagpakamatay.
Siya raw si Don Saturnino na nanirahan na rin sa San Diego at nagkaroon ng kaniyang sariling pamilya. Ang anak niya ay si Don Rafael na ama naman ni Ibarra.