Kabanata 13: Mga Unang Banta Ng Unos (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 12Kabanata 14 »

Pumunta si Ibarra sa libingan ng amang si Don Rafael kasama ng isang matandang alalay.

May nitso ang libingan ng ama ni Ibarra at may krus. Palatandaan din ang bulaklak ng adelpa at sampaga sa libingan.

Nakita ni Ibarra ang dalawang sepulturero at tinanong kung nasaan ang libingan. Ipinagtapat ng sepulturero kay Ibarra na hinukay niya ang bangkay at itinapon sa lawa. Hindi alam ni Ibarra ang madarama.

Galit itong lumisan sa libingan. Nakasalubong nito si Padre Salvi at kinompronta. Takot na sumgot ang pari at sinabing huwag siya ang kausapin at si Padre Damaso.

Umalis si Ibarra nang matauhan at agad na nagtungo sa kinaroroonan ng iba pang pari.

« Kabanata 12Kabanata 14 »