Kabanata 15: Mga Sakristan (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 14Kabanata 16 »

Sina Crispin at Basilio ang nakausap ni Tasyo sa may simbahan. Pareho silang sakristan doon.

Kahit may bagyo ay pinatunog pa rin nila ang kampana ngunit hindi maayos. Gusto na kasi nilang makauwi sa inang si Sisa.

Ngunit napagbintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa (32 piso) at pinababayaran sa kanila.

Pero dalawang piso kada buwan lang ang kanilang sahod kaya di nila kayang bayaran. Dumating ang sakristan mayor at sinita ang dalawa dahil sa palyadong pagpapatunog ng kampana.

Hindi rin sila pinauwi nang nasa oras at aabutan na sila ng oras na maaari lamang lumabas. Kinuha rin ng sakristan mayor si Crispin na nagpupumiglas.

Gumawa ng paraan si Basilio upang bumaba sa kampanaryo at nahanap kung nasaan ang kapatid na si Crispin.
« Kabanata 14Kabanata 16 »