« Kabanata 27Kabanata 29 »
Nabalita sa mga pahayagan sa Maynila ang magandang bisperas sa San Diego. Napasama sa balita ang marangyang paghahanda sa kapistahan at ang mga prusisyong ginawa.
May mga pagtatanghal din ng komedya na sa wikang Kastila ginawa. Mayroon din namang pagtatanghal para sa mga Pilipino.
Masaya man ang lahat, may malungkot sa gitna ng kasiyahan. Nalulungkot si Maria dahil ilang araw na niyang di nakikita si Ibarra. Mayroon kasing karamdaman ang kaniyang nobyo. Dahil dito ay sumulat siya sa binata.
Laman ng sulat ni Maria ang patuloy na pagdarasal ng dalaga sa paggaling ni Ibarra. Ipinahatid niya ang sulat kay Andeng. Nagbilin din si Maria na imbitahan siya ni Ibarra sa pagbubukas ng paaralan.