« Kabanata 5Kabanata 7 »
Payak lamang ang pamumuhay ng batang Tiyago. Anak siya ng mga negosyanteng asukal ang produkto sa Malabon.
Nakapagtapos siya ng lohika sa tulong na rin ng isang kaibigang Dominikanong pinaglingkuran niya.
Nakapangasawa naman siya ng isang dilag mula sa Sta. Cruz na si Donya Pia. Dahil sa kanilang sipag at husay sa negosyo ay naging marangya ang kanilang pamilya at ngayon ay napabilang na sa mga kilalang tao sa kanilang bayan.
Ang dating simpleng manamit na si Tiyago ay unti-unting natutong magbihis na animo ay isang Espanyol.
Isa rin siyang deboto at mamamanata ng mga santo. Natuto na rin siyang sumunod sa mga banyaga.
« Kabanata 5Kabanata 7 »