Tanong
Mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala?
Sagot
Ang mga tagapamahala ay mayroong mga ginagawang paglabag sa katarungang panlipunan tulad ng:
1. Hindi wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan na para sana sa taumbayan. May mga opisyal na gumagawa ng korupsyon para sa kanilang kapakanan at walang maayos na serbisyong nakukuha ang mga tao.
2. Pagtanggap ng suhol para sa mas mabilis na proseso. Kung ang iba ay sumusunod sa sistema, ang iba naman ay nagpapadulas lamang sa mga tagapamahala upang mas mapadali ang proseso.
3. Palakasan o padrino system. May ilang mga tagapamahala namang di nga tumatanggap ng suhol ngunit mas malakas sa kanila ang mga kakilala, kaibigan, o kaanak habang ang iba ay patas na sumusunod sa proseso.