Sino Ang Maituturing Natin Na Bourgeoisie Sa Kasalukuyan

Katanungan

Sino ang maituturing natin na bourgeoisie sa kasalukuyan?

Sagot

Bagaman wala nang direktang mga bourgeoisie sa kasalukuyang panahon at iba na ang paraan ng pagtukoy sa kanila ng ekonomiya ng bansa, mayroon pa ring maituturing na bourgeoisie ng ating panahong ngayon. Ito ay ayon na rin sa pagkilala sa kanila sa medieval na panahon ng Europe.

Sinasabing ang mga may-ari ng ilang kompanya at korporasyon ay mga burgis din. Kabilang sa mga negosyong ito ay mga pamilihan, bangko, panuluyan o hotel, paaralan, at mga pabrika.

Maituturing din na bourgeoisie ang mga edukadong mamamayan na maliban sa kanilang trabaho ay mayroon ding mga negosyo. Sa termino sa kasalukuyang panahon, sakop nito ang micro, small, medium enterprises (MSMEs).