Ang mga palaisipan ay mga uri ng teksto na humahasa sa ating utak at nagbibigay ng kasayahan sa atin mga Pilipino. Sana magustuhan ninyo ang 20 na halimbawa ng palaisipan na aming ihinandog sa inyo.
1. Ano ang makikita mo sa gitna ng dagat?
Sagot: Titik G
2. Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang mga kapitbahay kung saan babagsak ang itlog ng tandang. Saan babagsak ang itlog ng tandang?
Sagot: Wala. Dahil hindi naman nangingitlog ang tandang
3. May isang hari na gustong lituhin ang manliligaw ng kaniyang prinsesa. Kapag nabunot daw ng lalaki ang itim na bato mula sa sisidlan, papaya siyang ipakasal ang anak sa lalaki. Dalawa lamang ang bato sa sisidlan, ngunit ang hindi alam ng lalaki na parehong puti ito. Paano maiisahan ng lalaki ang hari?
Sagot: Itapon niya sa malayo o ang bato. Kung puti ang matira sa sisidlan, ibig sabihin ay itim na bato ang nakuha niya
4. Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC ay naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?
Sagot: Naglalaro ng chess kasama ni KC
5. Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa walong siglo, pero hindi sa habambuhay?
Sagot: Titik O
6. May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay may isang leon na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan?
Sagot: Sa ikatlo dahil kapag di kumain ng tatlong taon ang leon, patay na ito.
7. Nasa isang karera ka. Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa ikatlong puwesto. Anong pwesto mo na ngayon?
Sagot: Ikatlo
8. Ano ang laging parating pero hindi naman talaga dumarating?
Sagot: Bukas (Tomorrow)
9. May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang may 30 araw. Ilan naman ang mayroong 28 araw?
Sagot: Lahat ng buwan ay may 28 araw
10. Kapag tumalon ka sa ikatlong palapag na gusali, saan ang bagsak mo?
Sagot: Sa ospital
11. Bakit tayo umiinom ng tubig?
Sagot: Kasi hindi naman natin maaaring nguyain
12. Anong bagay ang bibilhin mo ng kulay itim, gagamitin mo ng kulay pula, at itatapon mo na kulay puti?
Sagot: Uling
13. Mayroong isang babae na mayroong dalawang anak na babaeng ipinanganak nang parehong oras, parehong araw, at parehong taon. Pero hindi sila kambal. Paano nangyari iyon?
Sagot: Triplets sila, lalaki lang yung isa sa kanila
14. Anong bagay ang hindi naman bote o pitsel, na mayroon ding maraming butas, pero kayang mag-imbak ng tubig?
Sagot: Ispongha o Sponge
15. Bago matuklasan na ang Mt. Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, ano ang pinakamataas na bundok sa mundo?
Sagot: Mt. Everest pa rin, hindi nga lang ito natutuklasan pa
16. Ang nanay ni Junior ay mayroong apat na anak. Ang unang anak ay pinangalanang April. Ang ikalawa naman ay May. Ang ikatlo ay tinawag na si June. Ano ang pangalan ng ikaapat?
Sagot: Junior
17. Anong bagay ang nasisira na, hindi pa man naisasakatuparan?
Sagot: Pangako
18. Anong salita sa diksiyonaryo ang laging binabaybay nang mali?
Sagot: mali
19. Anong bagay ang kapag pinakain mo ay tumitindi, kapag pinaiinom naman ay namamatay?
Sagot: Apoy
20. Anong bagay ang ginagawa ng manggagawa pero di niya ginagamit? Na siyang binibili rin ng bumili pero di niya rin gagamit? Na siyang gagamitin ng gumamit pero di niya nakikita?
Sagot: Kabaong