Aliterasyon

halimbawa ng aliterasyon ng tayutay ipaliwanag ang asonansiyaNakabasa ka na ba ng aliterasyon, isang uri ng salita na gumagamit ng magkatunog na mga pantig? Ayon sa mga libro, ang aliterasyon ay isang uri ng salita kung saan inuulit ang tunog ng pantig ng dalawa o higit pa na bilang ng mga salita.

Dapat niyong unawain na ang mga aliterasyon ay hindi lamang pareho sa tunog. Minsan, ang mga salitang ginagamit sa aliterasyon ay mayroong din ugnayan sa kanilang mga kahulugan.

Bahagi ng literatura at panitikan ang paggamit ng aliterasyon. Kadalasan mababasa at makikita ito sa mga tula, awit (kundiman), balagtasan at maging sa pagsulat ng mga kuwento at mga talambuhay.

Mga Uri ng Aliterasyon

Ayon sa mga aklat ng panitikan, mayroong dalawang uri ang aliterasyon – konsonans at asonansiya.

Konsonans o Kaayunan

Ito ang uri ng aliterasyon na ang inuulit ay ang pantig ng mga katinig. Tandaan na hindi letra o titik ang inuulit, bagkus ang tunog lamang ng mga letra ang binibigkas ng halos may pagkapareho.

Mga Halimbawa ng Konsonans

  1. Kasa-kasama niya ang kanyang kalabaw at kalapati sa kanyang bukid.
  2. Dahi sa matatas at makata na pananalita ay tuluyang nabighani ang magandang at mayuming si Maria.
  3. Mamasa-masa ang lupa sa malawak na maisan sa lupain ni Mang Mario.
  4. Sabay na hinikayat ang pangkat ng mandaragat.
  5. Siya ay nagdarasal ng taimtim hanggang umabot ang takip-silim.

Asonansiya

Ito ang uri ng aliterasyon kung saan ang tunog ng patinig lamang ang inuulit mula sa mga magkakaugnay na mga salita.

Mga Halimbawa ng Asonansiya

  1. Malakas na ipu-ipo ang dumapo kaya nailipad ang ulo ng bahay-kubo.
  2. Marami ang mga butiki sa taas ng puti na kisami.
  3. Aakyat na sana ako ng bus, kaya lang ay aabante na ito.
  4. Inalay kay Apo ang awitin ng kanyang mga apo.
  5. Lumabas ang dugo sa malapad niyang noo.

Layunin sa Paggamit ng Aliterasyon

Hindi lamang ginagamit ang alitersayong sa paggawa ng mga nakakatuwang mga kwento, kanta o tula. Ito rin ay nagagamit sa mga sumusunod na paraan:

  • Ginagamit ang aliterasyon upang makalikha ng magandang ritmo o ng mala musikang tunog ang pagbasa ng isang panitikan.
  • Ang paggamit ng aliterasyon ay nagbibigay ng mas madiin na kahulugan ng mga salita.
  • Dahil sa aliterasyon mas mabilis na naisasaulo ang kabuuan at kahulugan ng isang panitikan.
  • Nagdudulot din ng kakaibang aliw at katatawanan ang paggamit ng mga salitang mayroong parehas na tunog at bigkas.
  • Nagiging gabay din ang paggamit ng aliterasyon upang mas lalo pang mahikayat ang mga mambabasa na tangkilikn ang mga lokal na panitikan.

10 Halimbawa ng Aliterasyon

  1. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib, ito ang madalas sambit ng mga taong lubos na umiibig.
  2. Ang taong nasanay sa loob ng kanyang bahay ay hindi palahanap ng makakaaway.
  3. Makatas, masarap, at malambot ang makopa na dala ni Malea.
  4. Mabilis na winalis ang grupo ng mga ipis.
  5. Maagang sumugod ang mga sugo ng palasyo upang hulihin ang mga salarin.
  6. Banta sa mga bata ang hindi pagturok ng bakuna.
  7. Siya ang may akda at gumawa ng asignatura.
  8. Ang isip na liko-liko ay sadya namang nakahihilo.
  9. Walang modo ang pagsagot ng taong basagulero at barumbado.
  10. Sadyang nakakainis ang boses na manipis at matinis.

ano ang aliterasyon sa wika ng pinoy kahulugan at pag gamitKakambal ang paggamit ng aliterasyon sa paglikha ng mga panitikan. Dito nailalabas ng isang manunulat ang kanyang pagiging makata malikhain at mapanuri sa pagpili ng mga angkop na mga salita.

Tunay nga na napakahalaga ng aliterasyon sa larangan ng panunulat dahil nakapagbibigay ito ng ibayong indayog at kumpas sa pagbasa ng panitikan.