Ang Paglaban Ba Ay Hindi Naaayon Sa Pilosopiya Ng India

Katanungan

Tungkol sa kwentong “Rama At Sita” – Ang paglaban ba ay hindi naaayon sa pilosopiya ng india?

Sagot

Naging tanyag ang kuwentong Rama at Sita dahil sa kakaibang pakikipagtunggali ng mga bida sa mga balakid sa kanilang pagmamahalan. Hinamak nila ang lahat at nakipaglaban sa mga masasamang loob para sa kanilang pag-ibig.

Gayunman, sa kaugalian at pilosopiya ng India, ay taliwas ang ginawang paglaban ng mga tauhan. Ayon sa sinaunang paniniwala ng India, hindi nararapat na lumaban sa isang marahas na paraan ang isang tao.

Nararapat na lamang daw na daanin sa isang mahinahon at mapayapang paraan ang paghahanap ng solusyon sa mga suliranin, kabilang ang pagpuksa sa mga kalaban. Ito raw ang gintong aral ng pilosopiya ng sinaunang India na tagpuan ng kuwento nina Rama at Sita.