Tanong
Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa pasko?
Sagot
Isa sa mga nananatiling tradisyon sa mundo tuwing Pasko ay ang pagbibigayan ng regalo. Ayon sa mga historyador, nagsimula ito dahil isa itong simbolo ng pinakamalaking biyayang natanggap natin sa araw ng Kapaskuhan—ang regalo ng Panginoong Hesukristo.
Ito rin ang dahilan kung bakit tuwing Pasko, mas pinipili ng marami sa atin ang magpasaya at magbigay ng regalo sa mga espesyal na bahagi ng ating buhay. Ganito rin kasi ang pananaw ng Maykapal kung bakit ibinahagi niya sa atin ang kaniyang Anak upang mapasaya at magkaroon ng kapayapaan ang bawat isa dahil mahalaga tayo sa Kaniya.
Kaya anumang uri ng regalo ang ihahandog tuwing Pasko, ang mahalaga ay naaalala natin ang ating mga minamahal sa buhay.