Ano Ang Mga Kulturang Asyano Ang Makikita Sa Binasa

Katanungan

Tungkol sa kwentong “Rama At Sita” – ano ang mga kulturang asyano ang makikita sa binasa? Ihambing ito sa kultura ng bansang pilipinas.

Sagot

Maraming mga bakas ng kulturang Asyano ang makikita sa kuwentong Rama at Sita. Una na rito ang pagmamahal sa pamilya. Gagawin nina Rama at Sita ang lahat para lamang sa kanilang binubuong pamilya.

Gayundin ang pagmamahal ng magkapatid na si Lakshamanan at Rama sa isa’t isa. Handa silang maglaan ng panahon at lakas para maipagtanggol ang kapatid.

Mababatid rin sa kuwento ang kulturang Pilipino. Naniniwala ang mga Indiano sa pilosopong paggawa ng mabuti at pananalig sa Diyos. Ganito rin ang mga Pilipino.

Naniniwala sila na ang kabutihan ay laging mananaig at ang pananampalataya sa Diyos ang pinakamabisang sandata upang mapagtagumpayan ang buhay.