Tanong
Ano ang pagkakaiba ng tabloid at broadsheet?
Sagot
Magkatulad na pinagkukuhanan ng balita ang mga pahayagng broadsheet at tabloid. Ngunit kapansin-pansin din ang pagkakaiba ng dalawa.
- Karaniwang pormal ang mga salitang ginagamit sa broadsheet habang sa tabloid naman ay balbal at madaling maunawaan ng mga mambabasa.
- Mas malaki rin ang papel na ginagamit sa broadsheet habang mas maliit naman ang imprenta sa tabloid.
- Mas komprehensibo rin ang pagbabalita at mga seksyon o kategorya sa mga broadsheet habang sa tabloid naman ay mabilisan ang pagbabalita dahil sa limitadong espasyong pagsusulatan.
- Mayroon ding magandang reputasyon at kredibilidad ang mga broadsheet dahil karaniwang may pangalan ang nagsusulat dito kabilang sa mga kolumn, habang sa tabloid naman ay kilala sa ‘sensationalized’ na balita.