Ano Ang Ugnayang Namamagitan Sa Sambahayan At Bahay Kalakal

Tanong

Ano ang ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay kalakal?

Sagot

Ang ekonomiya ay may itinuturing na paikot na daloy na nagpapakita ng paglikha ng mga produkto at pagbabayad sa mga ito sa pamamagitan ng sambahayan at bahay-kalakal.

Ang sambahayan ay ang nagmamay-ari ng mga kasangkapan at kinakailangan upang makagawa ng mga produkto at serbisyo. Ang sambahayan din ang nagbabayad upang makalikha ng mga serbisyo at produksiyon. Ang kita na nakukuha nila mula sa mga bahay-kalakal naman ang ginagamit nila sa salik ng produksiyon.

Sa kabilang banda, ang bahay-kalakal naman ang siyang bumibili at gumagasta ng mga produkto at serbisyong nililikha ng sambahayan. Ang mga salaping napagbibili naman ay siyang ibinabayad nila sa sambahayan upang muling makagawa ng mga produkto at serbisyo.