Bilinggwalismo – Kahulugan At Halimbawa

kahalagahan at kahulugan ng bilinggwalismoMula kamusmusan at sa pagkamulat ng ating kaisipan tayo ay may likas na salita o wikang nakagisnan. Ito ay ang mga wikang katutubo ng kung tawagin ng marami ay inang wika o unang wika.

Ang wikang Ito ay ang madalas na ginagamit natin sa loob ng ating tahanan lalo na sa pakikipag-usap sa ating mga pamilya o di naman kaya ay sa mga kaibigan.

Kahulugan ng Bilinggwalismo

Sa ating araw-araw na pakikisalamuha sa ating kapwa, tayo ay natututo ng iba pang uri ng wika o salita. Ayon sa mga pag-aaral, ang bawat indibidwal ay may isa o dalawang lenggwahe na natutunan o nadedebelop. Ito ang kanilang nagiging gabay at sandata upang masigurado ang isang maayos na pakikipagtalastasan sa loob o labas man ng ating bansa.

Ang bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika. Mula sa partikular na rehiyon o probinsiya na ating kinabibilangan tayo ay may sariling dayalektong ginagamit sa loob ng ating tahanan.

Pagtungtong naman natin sa paaralan ay may mga wikang tinturo ang ating mga guro tulad na lamang ng Ingles. Mga wikang natutunan at nadedebelop nating gamitin sa pakikipag-usap natin sa ating mga kaeskwela at mga guro.

Mga Halimbawa ng Bilinggwalismo

Sa asignatura ng mga primarya at sekondaryang Antas ng mga mag- aaral, isinabatas ng gobyerno ang paggamit ng Billingwal na Patakaran ng Edukasyon o ang BPE. Ingles at Pilipino ang pangunahing wika na ginagamit, ngunit may mga bago na ring kurikulum na kung saan ang mga texto ng mgaaklat at iba pang uri ng babasahin ay nilimbag na gamit ang bilinggwalismo na uri ng wika.

ano nga ba ang bilinggwalismoMaging sa pagtuturo at pakikipagtalastasan ng mga guro sa kanilang mga estudyante ay pinalalaganap na rin nila ang paggamit ng bilinggwalismo. Ito ay sa kadahilanang mas madali nilang maipaunawa o ipaintindi ang mga bagay na mahirap maintindihan ng ibang mag-aaral sa wikang Ingles. Sa kabilang dako may mga mag-aaral din naman na mas mabilis silang umintindi sa wikang Ingles.

Sa ating pang araw-araw na gawain sa buhay, dito man o sa iba pang parte ng mundo, napakahalaga sa atin ang may kaalaman ng iba pang uri ng wika bukod pa sa ating sariling gamit. Walang masama kung matuto man tayo ng iba pang global na salita.