Dayalek – Kahulugan At Halimbawa

ang pinaka tamang kahulugan ng dayalekAng Pilipinas ay nahahati sa kapuluan at iba’t-ibang rehiyon. Isa ito sa mga pangunahing kadahilanan kung bakit tayo ay may mga yunik na dayalekto na ginagamit sa ating tahanan, paaralan, opisina at sa pang araw-araw na pakikikpagtalastasan sa ating kapwa.

Tayo ay may magkakaibang uri ng dayalek naayon sa lugar na ating ginagalawan, katayuan sa buhay, edad, kasarian at iba pang aspetong sosyal sa ating lipunan.

Kahulugan ng Dayalek

Dayalek ang tawag sa wikang ginagamit sa isang partikular na pook o lugar, maliit man o malaki. Ito ang unang wika na nakagisnan natin sa ating tahanan. Kadalasan itong ginagamit ng ating mga magulang at iba pang mga miyembro ng ating pamilya.

Ito rin ang mga salitang namumutawi sa bibig ng mga karaniwang tao sa ating sambayanan. Dahil din sa mga iba’t-ibang aspetong sosyal, heograpikal at temporal, tayo ay nagkaroon ng baryasyon ng dayalekto. Halimbawa nito ay ang wikang Tagalog may napakaraming baryasyon ayon sa heograpiya:
Tagalog ng Batangas – Ala e, ang bait naman niya!
Tagalog Nueva Ecija – Kainam-naman ng ugali niya.
Tagalog Pangasinan – Ang bait niya eh.


Sa bawat kapuluan ay mayroon ding partikular na dayalek na ginagamit. Ilonggo sa Iloilo, Chavacano sa Zamboanga, Ilocano sa Ilocos Region, Pangasinense sa Pangasinan, Kapampangan sa Pampanga, Bicolano sa Bicol Region, Tagalog sa Manila at iba pang Rehiyo sa katagalogan, Bisaya sa Cebu, Zambal sa Zambales, at Kankanaey sa Mountain Province.

10 na halimbawa ng dayalekIlan sa ating mga dayalek ay naapektuhan na dahil sa mga uri ng mga indibidwal na nakapaligid sa atin. Halimbawa nito ay ang paggamit ng magkahalong Ingles at Tagalog na kung tawaging ng nakakarami ay konyo. Andiyan din ang pag-gamit ng salitang beki (gay lingo) at jejemon.

Napakarami ring uri o baryasyon ng dayalek ang nadedebelop sa paglipas ng mga taon at sa pag-papalit-palit ng henerasyon o salinlahi. Ang mahalaga ay may salita tayong nakagisnan at naging bahagi sa pagbuo ng ating pagkatao at ng ating mayamang kultura.