Napakaimportante ng wika sa paghubog ng karakter o tatak ng isang tao. Sa pamamagitan ng uri ng wika na ating binibigkas tayo ay nakikilala saan man tayo dumako.
Lugar ng tirahan, kalagayan o estado sa buhay at organisasyon o grupong kinabibilangan, ilan lamang iyan sa mga bagay na umaapekto sa pagkakaroon natin ng napakaraming uri ng dayalekto.
Kahulugan ng Ekolek
Ekolek, mother tongue, unang wika, inang wika, iisa lamang ang ibig ipahiwatig ng mga salitang ito. Ang mother tongue ay ang sinaunang salita na ating nakagisnan sa loob ng ating tahanan. Mga salitang sa tuwina’y laging sambit ng ating mga magulang.
Mula sa ating kamusmusan tayo ay may sarili ng dayalekto o ekolek na wika. Ito ang karaniwan nating gingamit sa pakikipagtalastasan sa ating komunidad. Sa ating paglaki at pagkakaroon ng ibang uri ng kapaligiran, nahuhubog ang kaisipan at karunungan. Kasabay nito ay ang pagkakaroon ng iba pa o karagdagang dayalekto na ating natutunan.
Mga Halimbawa ng Salitang Ekolek
- Ama o Ina – ngayon ay momsy o mudra na ang tawag.
- Ate o kuya – bro/sis/tol ang usong gamitin na mga salita ngayon.
- Kaibigan – beshie
- Tahanan – haws
- Tatay – erpat
- Lolo at lola – oldies o thunder
- Tagpuang lugar – haybol
- Pagkain – chow o lafang
- Simbahan – church
- Kaibigan – dabarkads
Ang lugar at katayuan sa buhay ang may pinakamalaking impluwensiya sa ekolek na wika ng isang tao. Maliban sa wikang Pilipino, ito ay nahahaluan natin ng mga iba pang banyagang pananalita. Naayon ang dayalekto natin sa uri ng mga tao na ating nakakasalamuha. May mga ekolek na pino at minsan naman ay may mga magaslaw.
Sa pagtanda ng bawat indibidwal ay pabago-bago at lalong dumadami ang ekolek na wikang gamit. May mga iba na nagiging mapili na sa mga salita na kanilang binibigkas. May mga wika na di na magandang turan ng matanda, lalo na yong mga makabagong lenggwahe ng mga kabataan.
Ganun din sa mga kabataan may mga salita rin silang ayaw ng gamitin. Baduy na salita kung tawagin na nila ang mga ito, pero sa ang katotohanan ay ito ang kanilang ekolek o unang wika na nakagisnan.