Heterogeneous Na Wika

ang kahalagahan ng heterogeneous na wikaSa buong daigdig, isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming wika. May kabuuang 175 na wika ang ating bansa. Isang daan at pitompu’t isa dito ay ginagamit pa at ang apat naman ay lumipas na o hindi na ginagamit ng mga Pilipino.

Sa kadahilanang ang Pilipinas ay isang kapuluan, ang mga Pilipino ay nahahati rin sa ibat-ibang grupo, na may ibat-ibang uri ng dayalektong gamit. Ganun pa man tayo ay pinagbubuklod pa rin ng iisang pangunahing wika – ang wikang Filipino.

Kahulugan ng Heterogeneous na Wika

Dahil sa masusing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa sosyolohikal at linggwistika, nabuo ang teorya ng sosyolinggwistik. Ito ang naging batayan ng mga linggwistiko para magkaroon ng heterogeneous na wika. Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang heterous (magkaiba) at genos (uri/lahi) nabuo ang heterogeneous.

Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa at interes sa buhay, nagkaroon ng ibat-ibang barayti ang ating wika. Una ay ang permanenteng barayti kung saan ay nakasama dito ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika.


Ito ay ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-interaksyon sa araw-araw. Bawat rehiyon o lugar ay may partikular na dayalektong ginagamit.

Ang susunod naman ay ang pansamantalang barayti. Kinabibilangan ito ng mga salitang may pagkapare-pareho ng baybay pero magkakaiba ang kahulugan ayon sa aspeto ng pag-gamit dito.

ano nga ba ang kahulugan ng heterogeneous na wikaHalimbawa ay ang pag-gamit ng salitang heneral at general na kung saan ito ay tumutukoy sa dalawang kahulugan: military at pangkalahatan. Kasama pa sa ibang barayti ng wika ay pidgin, creole, ekolek, sosyolek, etnolek at register.

Halimbawa dito ay ang mga salitang jejemon, coño, mga salitang pabaliktad ang baybay (halimbawa: erap-pare), mga lenggwahe ng mga grupo ng mga bakla (halimbawa: shinits itey?-sino ito?) at iba pa na uri ng mga salita na lumalabas sa makabagong panahon at henerasyon.