Homogeneous Na Wika

ang kahalagahan ng homogeneous na wika sa mga filipinoDahil sa pagkakahati sa pulo ng ating lugar na kinasasakupan tayo ay nagkaroon ng ibat-ibang uri o baryasyon ng wika. Iisang bansa man ang ating ginagalawan, tayo ay nahahati o nauuri pa rin ayon sa wikang ating ginagamit.

Maraming lahi din ang sumakop sa atin na nakapagbigay ng impluwensiya sa uri ng ating pananalita, dagdag ang pagpapapalit-palit ng henerasyon sa ating lipunan, mga aspetong nagbigay ng dahilan ng pagkakaroon ng barayti ng wika.

Kahulugan ng Homogeneous na Wika

Sa paglipas ng panahon maraming uri ng salita ang nabuo at patuloy na ginagamit ng mga tao ngayon. May mga salitang ibat-iba ang baybay, ngunit sa pangkalahatan ay iisa lamang ang tinutumbok na kahulugan. Ito ang uri ng mga wika na kung tawagin ay “Homogeneous”. Mula sa isang pang-uri na salita na ang ibig sabihin ay pare-pareho o pagkakatulad.

Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.


Sa Heterogenous naman ay nauuri ang mga wika sa ibat ibang baryasyon o barayti. May mga aspetong sumasaklaw sa pagkakaiba-iba nito, gaya ng heograpiya, kasarian, edad, grupo, antas ng pamumuhay at uri ng sosyodad na ginagalawan ng nagsasalita.

Maihahanay din sa Heterogenous ang mga salitang di pormal at mga naimbento lamang ng mga ibat- ibang grupo sa ating lipunan. Ito ay mga salitang ginagamit sa iba’t-ibang pamamaraan at istilo pero ang kahulugan ay iisa din lamang. Andiyan ang mga salitang nabuo sa mga kalye o mga pabalbal na uri ng mga salita.

pinagkaiba ng homogeneous at heterogeneous na wikaGaya ng tinatawag na gay linggo o salita ng mga bakla, ang tawag nila sa ama nila ay fudra o fader, mudra, maderaka o mama naman sa kanilang ina. Magkakaibang bansag, magkakaibang baybay, magkakaibang tunog ngunit iisa rin ang ibig sabihin, ina at ama.

Kadalasang nagdudulot ng kalituhan ang Homogeneous at Heterogeneous na wika. Halimbawa nito ay ang di pagkakaintindihan ng indibidwal na may kanya-kanyang uri ng dayalektong ginagamit. Sa salitang Ilocano ang ibig sabihin ng daga ay lupa, at sa salitang tagalog naman ay isang uri ng hayop. Ang mga simpleng halimbawang ito ay nagdudulot nang malaking kalituhan, na minsan ay umaabot sa diskusyon at away.

Dahil sa ganitong mga hindi pagkakaunawaan naisipan ng noo’y Presidente na si Manuel Luis Quezon na bumuo o lumikha ng isang wikang pambansa, isang komon na wika kung saan tayo ay makakapag intindihan, at ito ay ang wikang Filipino na siyang ginagamit natin ngayon.