Ipaliwanag At Bigyang Patotoo Ang Pilosopiya Ng India Na Pinagpapala Ng Diyos Ang Maganda, Matalino At Kumikilos Nang Naaayon Sa Lipunan

Katanungan

Tungkol sa kwentong “Rama At Sita” – Ipaliwanag at bigyang patotoo ang pilosopiya ng india na pinagpapala ng diyos ang maganda, matalino at kumikilos nang naaayon sa lipunan.

Sagot

Anumang relihiyon sa mundo ay katulad rin ng paniniwala at pilosopiya ng India. Kapag daw kasi gumagawa ka ng maganda sa kapuwa, mas maraming pagpapala ang makukuha mula sa panginoon. Ito kasi ang pinakamahalagang utos ng Diyos sa tao.

Gayundin ang nag-iisip ng maganda at matalino sa kapuwa, ay nakapagdudulot ng kapayapaan at maayos na pamumumuhay sa iba. Kung lahat ay mayroong ganitong uri ng pag-iisip at disiplina, mas maiiwasan ang mga pagtatalo at suliraning kahaharapin sa lipunan.

Nagiging magandang modelo rin siya sa kaniyang kapuwa, kaya naman mas maraming tao ang humahanga at mas gumagaan ang takbo ng kaniyang pamumuhay, maging ang mga tao sa kaniyang paligid.