Katanungan
Tungkol sa kwentong “Rama At Sita” – isa-isahin ang mga pangyayaring nagpakita ng kababalaghan.
Sagot
Maliban sa maganda at makabuluhang aral ng kuwento nina Rama at Sita, dinakila rin ito sa buong mundo dahil sa mga pangyayaring kinakitaan ng kababalaghan. Ang mga pangyayaring ito ay nakapagdagdag ng pagkapanabik sa kuwento ng pag-iibigan. Ang ilan ay ang sumusunod:
- Dahil mayroong gusto si Suparnaka kay Sita, ginawa niya ang lahat para makuha ito. Nang minsang magselos at mabalot ng galit, nagpalit siya ng anyo bilang isang higante upang sindakin ang mag-asawa.
- Nagpanggap bilang isang gintong usa si Maritsa. Ito ay ayon na rin sa pakiusap ng kaniyang kapatid na si Ravana. Para magsilbi itong patibong upang sundan ni Rama ang gintong usa na si Maritsa lamang naman pala.
- Nagbalatkayo rin si Ravana bilang isang matandang pareng Brahmin. Paraan niya ito upang makalapit kay Sita. Nanghingi ang matandang Brahmin ng inumin kay Sita. Hinablot siya ng matanda at bigla na lamang lumipad sakay ng isang karuwaheng mayroong pakpak.
- Maituturing na pangyayaring kababalaghan ang pagsasalita ng agila at pagtuturo sa lokasyon ni Sita. Natagpuan ng magkapatid na Rama at Lakshamana ang agila. Gayunman, nanghihingalo na ito. Ngunit nasambit pa rin nito kung nasaan na ang mahal na asawa ni Rama na si Sita.
- Isa ring mahiwagang pangyayari sa kuwento ang pagsugod ng mga unggoy upang talunin ang imperyo ni Lanka. Nang malaman nila kung nasaan si Sita, dahil alam nilang hindi nila kakayanin ang puwersa ng higanteng si Lanka, nanghingi sila ng tulong sa mga unggoy. Lumusob ang mga unggoy sa kaharian ni Lanka at sa tulong ng mga ito ay napabagsak ang malaking hari.
- Inalok ni Ravana na maging reyna si Sita. Ngunit dahil sa pagmamahal ni Sita, tinanggihan niya ang alok ay nag-iba ng anyo si Ravana at naging halimaw. Tinangay niya si Sita at dinala sa isang lugar, malayo sa kaniyang asawa.