Katanungan
Tungkol sa kwentong “Rama At Sita” – isa isahin ang mga pangyayaring nagpakita ng kabayanihan ng tauhan.
Sagot
Dahil kuwento ng kabayanihan at pakikipagtunggali ang Rama at Sita, maraming mga eksena ng kabayanihan sa kanilang pakikipagsapalaran. Ang ilan sa mga eksenang ito ay ang sumusunod:
- Eksena ng kabayanihan ang pakikipagtunggali ng kapatid ni Rama na si Lakshamanan sa higanteng si Surpanaka. May pagtingin kasi si Surpanaka kay Sita kaya naman sumugod ang higante upang kunin ang pinakamamahal niyang babae. Sa tulong si Lakshamanan ay nabigo ito sa planong pagkuha kay Sita.
- Sinundan ni Rama ang gintong usa sa pakiusap na rin ng asawa niyang si Sita. Ngunit ito ay si Maritsa lamang na nag-ibang anyo. Sinundan ni Rama ito upang mahuli. Nang matagal nang di nakababalik ang kaniyang kapatid, sinundan ni Lakshamanan si Rama.
- Kabayanihan ding maituturing ang paglayo ng mag-asawang sina Rama at Sita. Ipinatapon sila sa gubat ng hari. Dahil labis nilang mahal ang isa’t isa, hindi nila alintana ang payak at mapanganib na buhay sa gubat.
- Nang dukutin si Sita ng malaking ibon na mistulang karawahe, agad na kumilos ang magkapatid na Rama at Lakshamanan upang mailigtas ang babae. Nilabanan nila ang malaking agila at tinaga ng kanilang mga sandata hanggang mawalan ng malay. Ngunit bago tuluyang mawalan ng hininga, nasabi muna ng higanteng ibon kung saan naroroon si Sita.
- Kabayanihan din ang ginawang paglusob nina Rama at Lakshamanan sa kahiran ng Lanka. Naroroon kasi si Sita at kailangan nilang labanan ang higante roon upang mailigtas si Sita. Malakas ang loob ng dalawa na harapin ang panganib upang mailigtas si Sita.
- Larawan din ng kabayanihan ang ginawang pagtulong ng mga unggoy sa pagsasalba sa binihag na si Sita. Alam ng mga unggoy ang kapahamakang maaaring kaharapin ngunit hindi sila nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Hindi rin naman sila nabigo dahil nagtagumpay sila at nailigtas at muling nagsama sina Rama at Sita.