Kabanata 2 »
Isang magarbong piging ang inihanda ni Don Santiago delos Santos o Kapitan Tiyago. Dahil mabuti ang loob niya, marami ang nakakikilala sa kaniya.
Marami din ang dumalo sa piging kabilang ang mga prayle, kilalang tao, at ilang dayuhan.
Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino na sinagot naman ng mapangdusta na si Padre Damaso.
Nabalik kay Damaso ang usapan at sa pagkakatanggal niya bilang kura ng San Diego. Sinabi ng tinyente ang dahilan na nagpahukay daw kasi ng bangkay ng isang erehe ang pari.
Nagalit ito sa sinabi ng Tinyente at pinakalma naman ni Padre Sybila. Nang kumalma ang sitwasyon, nagpatuloy ang piging at kasiyahan ng gabing iyon.