Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 10Kabanata 12 »

Kahit ang mga nasa posisyon at mga mayayaman ay hindi maituring na pinakamakapangyarihan sa San Diego.

Kahit ang ama ni Ibarra na si Don Rafael na maraming ari-arian at salapi ay di sapat. Kahit ang kapitan na si Tiyago ay di rin matatawag na makapangyarihan.

Nakuha naman nina Don Rafael at Kapitan Tiyago ang paggalang ng iba. Ngunit mas makapangyarihan pa rin ang turing ngayon kina Padre Salvi, ang kura na pumalit kay Damaso, at ang Alperes o ang pinuno ng mga guwardiya sibil.

Gayunman, ang mga pinakamakapangyarihan sa San Diego ngayon ay mayroon ding hindi pagkakaunawaan. Itinatago lamang nila ito sa publiko upang hindi masira ang kani-kanilang pangalan.

« Kabanata 10Kabanata 12 »