Kabanata 12: Araw Ng Mga Patay (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 11Kabanata 13 »

Ang libingan sa bayan ng San Diego ay malaki ngunit napabayaan na. Wala kasing nangangalaga sa nasabing sementeryo.

Ngunit isang gabi, dalawang sepulturero ang naghuhukay sa sementeryo ng San Diego. Ang dalawang ito ay naisipang magkuwentuhan habang nagtatrabaho.

Sabi ng mas batang sepulturero ay bago lamang siya sa bayang iyon. Lumipat daw kasi siya ng sementeryo dahil hindi niya kinaya ang trabaho mula sa isa pang libingan.

Ang isa naman, ang mas matanda na sa trabahong iyon ay inilahad na mayroon siyang isang trabahong hindi nagawa.

Pinahukay daw sa kaniya ang bangkay ng isang lalaki para ilipat sa libingin ng mga Intsik pero inihagis na lamang niya sa ilog dahil sa lakas ng ulan.

« Kabanata 11Kabanata 13 »