Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 13Kabanata 15 »

Dumalaw din si Pilosopo Tasyo o Don Anastacio sa puntod ng kaniyang namayapang asawa. Mayaman noon si Pilosopo Tasyo ngunit napabayaan niya ang kaniyang minanang kayamanan.

Dahil sa labis na katalinuhan ay pinahinto muna ito ng ina niya sa pag-aaral at baka makalimot na raw sa Diyos. Pangarap ng ina niya na siya ay makapag-pari.

Ngunit nag-asawa si Tasyo. Pero yumao din ang asawa niya isang taon matapos ikasal. Natuon ang oras niya sa pagbabasa.

Umuulan noon nang malakas at natutuwa si Tasyo. Nais daw niyang magkadelubyo upang malinis ang mga taong nabubuhay.

Nakita naman ni Tasyo ang magkapatid sa simbahan. Sinabihan niya itong umuwi na at naghanda ang ina nito ng hapunan.

« Kabanata 13Kabanata 15 »