Kabanata 16: Si Sisa (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 15Kabanata 17 »

Si Sisa ang ina nina Crispin at Basilio. Mapalad ito sa dalawang mabait na anak ngunit malas sa asawang mapanakit at sugarol.

Naghanda si Sisa ng masarap na hapunan para sa mga anak. Bihira lamang ito dahil mahirap lamang sila.

May nakahaing tuyong tawilis at kamatis na paborito ni Crispin habang tapang baboy ramo naman para kay Basilio.

Ngunit dumating ang asawa ni Sisa. Inubos nito ang mga pagkaing para sa mga anak nila. Matapos ubusin ang lahat ng pagkain ay umalis ito dala ng panabong na manok.

Nagluto na lamang si Sisa ng tuyo para sa mga anak na hindi pa dumarating dahil sa naganap sa simbahan. Ilang sandali pa ay narinig niya si Basilio na sumisigaw.
« Kabanata 15Kabanata 17 »