Kabanata 17: Si Basilio (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 16Kabanata 18 »

Dumating si Basilio na may sugat sa noo na daplis ng bala ng mga guwardiya sibil. Sinabi ni Basilio ang kalunos-lunos na sinapit ng kapatid.

Naawa si Sisa para sa kaniyang bunsong anak. Sinabi naman nito na hindi niya sasabihin sa iba kung saan nakuha ni Basilio ang sugat nito.

Nabatid rin ni Basilio na umuwi ang kaniyang amang kinamumuhian. Sinabi niya sa ina na sana ay tuluyan nang mawala ito sa kanilang landas na naging sanhi upang lalong malungkot si Sisa.

Nakatulog si Basilio dahil hapo sa mga nangyari. Napanaginipan niya ang kapatid. Nang magising, sinabi niyang ayaw na niyang bumalik sa simbahan at maghahanap na lamang ng ibang trabaho.

« Kabanata 16Kabanata 18 »