Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 17Kabanata 19 »

Matapos ang tatlong misa ay agad na tumungo si Padre Salvi sa kaniyang silid. May karamdaman din kasi siya kaya hindi na niya nakausap ang mga hermano at hermanang naghihintay sa kaniya.

Nais pa naman ng mga ito na pag-usapan nila ang paghahanda para sa nalalapit na kapistahan ng kanilang lugar.

Napag-usapan din ang pagbibigay ng indulhensiya. Sa kanilang paniniwala, ang mas malaki at mas maraming indulhensiyang maibibigay ay mas maliligtas sa poot ng purgatoryo.

Samantala, dumating naman si Sisa sa may simbahan. Nagtungo siya sa silid ni Padre Salvi upang pag-usapan ang bintang sa bunso niyang anak na si Crispin na nagnakaw daw ng malaking halaga.

« Kabanata 17Kabanata 19 »