« Kabanata 18Kabanata 20 »
Nag-uusap nang masinsinan sina Ibarra at ang guro. Umamin ito na kasama siya, si Tinyente Guevarra, at ang sepulturero sa pagtapon ng bangkay ng ama sa lawa.
Hindi na nagdamdam si Ibarra at patuloy na nakinig sa salaysay ng guro. Ayon sa kanita, nais niya raw sanang mabago ang sistema ng pagtuturo ngunit wala na siyang magawa pa.
Patuloy kasing nababawasan ang bilang ng mga mag-aaral at sa kuwadra na lamang ang mga ito nag-aaral ng mga dasal ng Kastila.
Minsan pa raw siyang ipinahiya ni Padre Damaso sa kaniyang mga mag-aaral. Dahil sa salaysay ng guro, lalong ninais ni Ibarra na magkaroon ng pagbabago sa kanilang lugar.