Kabanata 21: Kasaysayan Ng Isang Ina (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 20Kabanata 22 »

Pinuntahan ng mga guwardiya sibil si Sisa sa kanilang tahanan. Hinahanap ng mga ito ang magkapatid na Crispin at Basilio.

Ngunit wala doon ang dalawa. Sinabi rin ni Sisa na hindi pa niya nakikitang muli ang mga ito.

Dahil dito, isinama siya ng mga guwardiya sa tanggapan ng kura at doon ay nagpaliwanag. Halos pumanaw siya sa kahihiyan. Paulit-ulit na itinanggi ni Sisa ang paratang sa kanila kaya pinawalan din naman siya.

Gayunman, sa kaniyang pag-uwi ay nakakita siya ng pilas ng damit ni Basilio na may dugo. Malapit din ito sa may bangin kaya naman labis siyang nabahala.

Dahil sa sunod-sunod na kaganapan ay tinakasan na ng bait si Sisa. Nagpalaboy-laboy ito sa daan na pinagtatawanan ng lahat.

« Kabanata 20Kabanata 22 »