Kabanata 22: Dilim At Liwanag (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 21Kabanata 23 »

Usap-usapan sa buong bayan ng San Diego ang pag-uwi ni Maria at tiya niyang si Isabel sa kanilang bayan.

Dito kasi lumaki at nagdalaga si Maria. Marami ang nagigiliw sa kaniya dahil sa taglay na kabaitan nito.

Napansin din nila na ngayon ay madalas silang magkasama ni Ibarra. Niyaya ni Ibarra si Maria na lumabas kinabukasan na ikinatuwa naman ng dalaga.

Ngunit dahil napansin niya ang kakaibang kilos ni Padre Salvi kamakailan, sinabi niya kay Ibarra na kung maaari ay huwag nang isama ito sa kanilang lakad.

Sabi naman ni Ibarra, kailangan nilang isama ang pari para sa kabutihan nila. Biglang dumating si Padre Salvi na siya namang iniwan ni Maria upang makapag-usap sila ni Ibarra.

« Kabanata 21Kabanata 23 »