Kabanata 23: Ang Pangingisda (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 22Kabanata 24 »

Natuloy ang pamamasyal nina Ibarra at Maria. Kasama ni Maria ang kaniyang mga kaibigang sina Sinang, Victoria, at Inday.

Sasakay sila sa Bangka. Isang lalaki, at isang babae lamang ang maaaring isakay ng bangkero upang hindi lumubog.

Si Elias ang nagsasagwan para kina Maria at Ibarra. Umawit naman ng kundiman si Maria.

Napalitan ng kaba ang saya ng bawat isa dahil sa nakitang buwaya nina Elias at Ibarra. Pinagtulungan ng dalawang binata ang buwaya at napatay nila ito.

Nagpsalamat naman si Elias sa pagligtas ni Ibarra sa kaniyang buhay. Dahil dito ay nag-umpisa ang kanilang magandang samahan.

Nagpatuloy naman ang lahat sa kanilang pangingisda at pamamasyal sa may lawa.

« Kabanata 22Kabanata 24 »