« Kabanata 24Kabanata 26 »
Pumunta si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang isangguni ang kaniyang balak na pagpapatayo ng paaralan sa bayan nila. Abala man sa pagsusulat ang matanda ay kinausap niya si Ibarra.
Sabi nito ay huwag siya ang kausapin kung hindi makakapangyarihang tao dapat. Tugon naman ni Ibarra, ayaw niyang mabahiran ng kabuktutan ang kaniyang magandang plano.
Pero payo ni Tasyo, padaanin sa simbahan ang kaniyang plano kung nais niyang magtagumpay ito dahil higit na mas makapangyarihan ang simbahan kaysa sa pamahalaan.
Sinabi naman ni Tasyo na kailangang yumuko ni Ibarra sa kapangyarihan upang magtagumpay. Umalis ito at naisip niya ang sinabi ng matanda.