Kabanata 26: Bisperas Ng Pista (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 25Kabanata 27 »

Bisperas na ng kapistahan sa San Diego kaya naman abala na ang lahat sa paggagayak sa kanilang mga tahanan.

Lahat ay nagpapalamuti ng kanilang mga tahanan. Abala rin sila sa paghahanda ng masasarap na pagkain.

Maingay na rin ang mga batingaw at mga paputok, gayundin ang mga musiko. May misa ring idinaos si Padre Damaso. Nag-alay na ang mga magsasaka ng kanilang mga pananim at alaga sa kanilang mga amo.

Abala naman si Ibarra sa kaniyang ipinatatayong paaralan. Hinango niya ang disenyo sa mga paaralan sa Europa.

Gastos ni Ibarra ang lahat ng pinagpapagawa paaralan at di siya tumanggap ng anumang tulong mula sa mga prayle kahit nag-alok ang mga ito.

« Kabanata 25Kabanata 27 »