« Kabanata 28Kabanata 30 »
Maagang nagising ang lahat sa araw ng pista. Nagsuot ng kani-kanilang magagarang damit ang mga mayayaman pero hindi si Pilosopo Tasyo.
Ayon sa kaniya, pag-aaksaya lamang daw ng oras at salapi ang mga ganitong pagtitipon. Mas marami pa umanong dapat pagtuunan ng pansin ang pamahalaan at simbahan.
Samantala, ayaw sana ni Padre Damaso na magmisa sa San Diego pero pinilit siya ng ibang pari dahil siya lamang daw ang mabisang magbigay ng aral sa mga taga-San Diego. Pumayag naman ang pari.
Nag-umpisa rin ang prusisyon ng alas-8 ng umaga. Sa prusisyon ay makikita rin ang iba’t ibang kalagayan ng mga tao sa lipunan. Natapos ang parada sa bahay nina Kapitan Tiyago.