« Kabanata 2Kabanata 4 »
Kahit na isang piging at kasiyahan ang dinaluhan, balisa at yamot na yamot si Padre Damaso, kabaligtaran ni Padre Sibyla na aliw na aliw naman.
Umani naman ng magagandang komento si Kapitan Tiyago dahil sa magandang piging na inihanda kabilang ang masasarap na pagkain.
Nagpatuloy ang gabi at ang hapunan. Naging komportable na si Ibarra at nakipag-usap sa mga bisita.
Magiliw niyang isinalaysay ang kaniyang mga napuntahang bansa at lugar at ang pinagdaanan niya sa pagtira sa kabilang ibayo. Nagbahagi rin siya ng mga kuwentong natutuhan niya katulad ng wika at kasaysayan.
Habang ang dalawang pari naman na sina Sybila at Damaso ay nagtuturuan kung saang bahagi ng lamesa uupo.