« Kabanata 29 »
Mainit man sa loob ng simbahan ay dagsa pa rin ang tao. Marami sa kanila ang nagbayad ng dalawang daan at limampung piso para sa misa.
Mas mainam na raw iyon kaysa magbayad ng ganoong halaga para sa komedya na hindi sila dadalhin sa langit.
Matagal bago nag-umpisa ang misa dahil sa huling pagdating ng alkalde. Sinadya niyang magpahuli upang mapansin ng lahat.
Nang magmisa na ang maysakit na si Damaso, nilait niya muna ang kapuwa pari na si Padre Manuel Martin dahil mas mahusay daw siyang magmisa kaysa rito.
Matapos naman ng sermon ay inutusan niya ang kuwaderno upang opisyal na umpisahan ang misa para sa pista.