« Kabanata 3Kabanata 5 »
Naglibot-libot si Ibarra sa kaniyang bayan. Marami siyang alaala sa mga ito. Nakaabot siya sa bundok ng Liwasan.
Nabatid niya na wala namang malaking pagbabago sa kaniyang kinagisnang lugar. Bilang bahagi ng kaniyang pagmumuni-muni, iniikot niya ang kaniyang mga mata sa paligid upang magmasid.
Dito niya naisip ang salaysay ng Tinyente tungkol sa kaniyang ama na yumao na. Isang taon bago umuwi si Ibarra sa bansa ay nagpadala ng liham ang kaniyang amang si Don Rafael at sinabi sa anak na huwag mangamba.
Naisalaysay din ang dahilan sa pagkakabilanggo ng ama at kung bakit marami ang napopoot rito. Makalalaya na sana ang ama ni Ibarra ngunit bigla na lamang itong namatay.