Kabanata 7: Suyuan Sa Asotea (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 6Kabanata 8 »

Aligaga na si Maria Clara sa simbahan pa lamang, Lagi siyang kasama ng kaniyang Tiya Isabel na deboto ng simbahan. Nayamot naman ang tiyahin dahil sa inaasal ng pamangkin.

Nang makauwi, agad na naglagi si Maria sa kanilang balkonahe at doon hinintay ang kaniyang kasintahang si Ibarra.

Magpipitong taon na rin kasing di nagkita ang dalawa. Nang dumating ang binata, agad silang nag-usap ni Maria at nag-umpisang balikan ang kanilang kabataan. Nagkuwento rin Ibarra tungkol sa kaniyang pag-aaral sa ibang bansa.

Inilabas ni Maria ang kaniyang damdamin sa nobyo sa pag-alis nito. Ngunit sinabi naman ni Ibarra na para naman sa kanila at sa kanilang bayan ang kaniyang ginawa.

Naisip naman ni Ibarra ang kaniyang ama kaya agad itong umalis mula sa bahay ng nobya.

« Kabanata 6Kabanata 8 »