Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 8Kabanata 10 »

Aalis na sana ang mag-tiyang sina Isabel at Maria Clara nang biglang dumating si Padre Damaso.

Nang malaman ng pari na pupunta sa Beaterio ang dalawa upang kunin ang kagamitan ni Maria, ay galit na umakyat ang pari at hinanap si Kapitan Tiyago.

Dito ay nagtalo ang dalawa na kung minsan ay nagkakasigawan pa. Sinabi rin ni Damaso kay Tiyago na tutol daw ang gobernadorcillo sa pakikipagmabutihan ni Maria kay Ibarra dahil ito raw ay isang kaaway.

Idiniin din niya na may karapatan daw siya kay Maria dahil siya ang tumatayong ikalawang ama. Napaisip naman si Tiyago sa mga sinabi ng pari.

« Kabanata 8Kabanata 10 »