Kabihasnang Chaldean

Malaki ang naging papel ng kabihasnang Chaldean sa kasaysayan ng mundo. Kahit ang Bibliya ay tinalakay ang kabuhayan ng mga Chaldean.

Ang kabihasnang Chaldean ay nagsimula sa kaharian ng Chaldea. Ito ay matatagpuan sa Timog-kanlurang bahagi ng Asya, malapit sa tinaguriang Fertile Crescent. Makikita rin ito sa gawing silangan ng Dagat Mediterranean.

Nakilala ang mga Chaldean dahil isa sila sa mga sandatahang nagpabagsak sa imperyong Assyrians. Sa pamumuno ng kanilang pinakamahusay na haring si Nebuchadnezzar natamasa ng imperyong Chaldean ang kaunlaran.

Ang naging pamamaraan ni Nebuchadnezzar bilang pinuno ay lubhang kakaiba kaysa sa naunang hari na si Nabopolassar. Pinili niya ang matatalinong kabataan upang maging katuwang niya sa pamumuno. Muli niyang pinasigla ang bumagsak na kaharian ng Babylonia at pinaunlad ang arkitektura nito.

Gayunman, matapos ng 43 taong pamumuno ni Nebuchadnezzar, unti-unting bumagsak ang Chaldea dahil sa karangyaan at mga kasiyahan nakatuon ang sumunod na haring si Nabonidus. Sinakop sila ng Persia noong 539 BCE sa pangunguna ng Haring si Cyrus the Great.

Ambag

Isa sa mga dinakilang ambag ng mga Chaldean sa panitikan ay ang kanilang sistema ng pagsulat sa isang uri ng clay na tinatawag na Cuneiform. Sa pamamagitan ng kanilang mga tala ay nalaman ng mga siyentipiko ang kanilang ambag sa astronomiya. Sila ang sinasabing bumuo ng konsepto ng zodiac sign at horoscope.

Hindi rin maikakaila na ang mga Chaldean ang isa sa mga pinakamahusay sa larangan ng arkitektura noong panahong iyon. Binuo nila ang mga ziggurat na mas matanda pa sa mga pyramid.

Sinasabing ang mga Chaldean din ang tumuklas sa iba’t ibang sistemang patuloy nating ginagamit sa kasalukuyan. Binuo nila ang paggamit ng gulong upang makatulong sa kanilang ekonomiya. Ang mga Chaldean rin ang tumuklas sa paggawa ng salamin.

Pati ang sistema at konsepto ng isang kalendaryo ay tinuklas din ng mga Chaldean. Gumawa sila ng unang kalendaryo na mayroong 12 buwan at 360 araw.