Kabihasnang Egypt

mga ambag ng kabihasnang egyptAng kabihasnan ng Egypt ay nagumpisang umusbong sa lambak ng Nile. Kilala ang Egypt bilang pamana ng Nile dahil sa pagkakaroon ng biyaya ng tubig mula sa Ilog nito. Matatgpuan ang Egypt sa Hilagang Silangan ng Africa.

Pinapalibutan ito ng bansang Syria sa may hilaga, Nuba naman sa may timog, Pulang Ilog sa silangan at Disyerto ng Libya naman sa may kanluran.

Ang mga Egyptian ay pinamumunuan ng Pharaoh bilang kanilang hari, Monarch na pinuno ng kanilang pamayanan, at mga Vizier bilang mga pangunahing opisyal at nagsisilbing ispiya ng hari.

Mga magsasaka, mangangalakal at mandirigma ang karamihan sa mga tao sa Ehipto. Dahil sa hindi pagkakasundo, ang Egypt ay nahati sa dalawa, ang Upper Egypt at ang Lower Egypt.

Mga Ambag ng Kabihasnang Egypt

  1. Ang paggamit ng kalendaryo
  2. Ang pagtatayo at paggawa ng imbakan ng tubig at irigasyon
  3. Ang pag-eembalsamo o mummification
  4. Ang paggamit ng Hieroglyphics
  5. Ang pagkaimbento sa paggamit ng papel mula sa dahon ng halamang papyrus
  6. Ang pagkakaroon ng piramide
  7. Paggawa ng mga istrakturang bato


Ayon sa talaan ng mga Egyptologist ang kabihasnan ng Egypt ay may mga kronolohiya ayon sa panahon na kanilang kinabibilangan.

Bago ang Panahon ng mga dinastiya
– Ang mga sinaunang Egyptian ay nanirahan sa pamayanang malapit sa lambak ng Nile. Dito naitala ang kauna-unahang paggamit ng sistema ng panulat, ang Hieroglyphics. Ito ang kanilang ginamit sa patatala ng mga importanteng kaganapan sa kanilang kabihasnan. Sa Dinastiya na ito umusbong ang pinakaunang estado sa Egypt, ang Nomes, ito ay pinamunuan ng mga Nomarehs.

Panahon ng Unang Dinastiya – Sa panahon na ito ay nasakop ng upper Egypt ang Lower Egypt at tuluyan silang nagkaisa. Ang dalawang kaharian ay pinamunuan ni Haring Menes. Siya ang pinakaunang Pharaoh sa kabihasnan ng Egypt.

Matandang Kaharian – Ito ang tinatawag na panahon ng piramids. Sa dinastiya na ito nagumpisa ang pagpapatayo ng mga batong istraktura kung saan nila hinihimlay ang kanilang mga yumaong hari o pharaoh pati na ang kanilang mga pamilya at iba pang mga may mga tungkulin sakanilang lipunan.Sa pamamayani ni Pepi II ay naitayo ang Great Pyramid ni Pharaoh Khofu na matatagpuan sa Giza.


Unang Intermedyang Panahon – Nagkaroon ng sagupaan ang dalawang magkaaway na dinastiya ng Egypt.
Gitnang Kaharian – Ang kaguluhang political ay natapos at nagkaisa muli ang lupain ng Egypt. Dito nakilala ang mga Hykos o mga prinsipe mula sa mga dayuhang kaharian.

Ikalawang Intermedyang Panahon – Sa panahon na ito ay nagkaroon ng limampu at pitong hari na nagdulot ng kaguluhan sa pamamahala.

ang kasaysayan ng kabihasnang egyptBagong kaharian – Ito ang pinakamagandang panahon sa kabihasnan ng Egypt. Tinatawag rin ito na Empire Age. Mga matatalino na pharaoh ang naghari sa panahon na ito. Kinabibilangan ito nina Thutmose II, Thutmose III, Amenophis III at Rameses II. Dito rin nakilala si Reyna Hatshepsut, ang pinakamahusay na pinunong babae sa kasaysayan ng mundo.

Ikatlong Intermedyang Panahon – Mula sa mga hari ng dinastiya, sila ay napalitan na ng mga heneral na galing sa Libya.

Huling Panahon – Sa pamumuno ni Psammetichus muling nagbuklod ang Middle Egypt at Lower Egypt. Nakontrol niya ang buong lupain ng Egypt. Dahil sa pagkamatay ng mga namumuno sa Egypt nagkaroon ng kaguluhang sibil hanggang ang Egypt ay sumailalim sa pamumuno ng mga Persiano.