Kabihasnang Indus

ano ang kabihasnang indus at ambag nitoAng pangalan ng bansang India ay nanggaling sa Ilog ng Indus. Sa ilog na ito sumibol ang mga kabihasnan sa India. Ang malayelong lamig ng tubig nito ay nanggagaling sa Himalayas sa may parteng timog ng Tibet at dumadaloy ito hanggang sa may silangang kalupaan ng Pakistan.

Sa bandang kanluran naman nito ay matatagpuan ang ilog ng Chaggar-Harra. Malawak ang lupain ng Indus, ito ay may sukat na 3,185,019 square kilometer, mas malawak pa kaysa sa kalupaan ng Europa. May hugis itong tatsulok kung ito ay iyong titigan sa mapa o globo. Kabilang ang Indus sa mga bansa ng rehiyon ng Timog Asya.

Ang kabihasnan ng Indus ay isa sa mga tatlong pinakaunang sibilisasyon sa kasaysayan ng mundo. Kasama nito ang Egypt at Mesopotamia. Sa pananaliksik ng mga dalubhasang arkeyologo, natuklasan nila noong taong 1920 ang mga labi ng dalawang malalaking lungsod sa tabi ng ilog Indus.

Ito ang mga lungsod Harappa at Mohenjo-daro. Binubuo ito ng mahigit na isang daan na bayan. Ayon sa mga dalubhasa Dravidian ang bumuo sa unang kabihasnan ng mga Indus. Umabot lamang sa 40,000 ang bilang ng kanilang populasyon.

Mula sa mga natagpuang mga labi ng kanilang mga kabahayan, gusali at ng kanilang buong pamayanan, napatunayan ng mga siyentista na progresibo ang uri ng pamumuhay ng mga Indus noon. Matibay at yari sa bloke ng mga bato ang kanilang mga tirahan. May pangalawang palapag ito at mayroon ding mga palikuran. Ang higit na nakamamangha sa kanilang istraktura ay ang pagkakaroon nila ng daluyan ng tubig sa ilalim ng lupa na konektado sa lahat ng mga kabahayan.


Planado at organisado ang pagkakagawa ng kanilang mga bahay pati na ang sukat ng kanilang mga kalsada. Mistulang subdibisyon sa sinaunang kabihasnan ang kanilang bahay dahil sa magkakaparehong anyo at hugis parisukat nito. Marami pang mga antigong bagay ang mga nahukay pero ni isang uri ng sandata o armas ay walang natagpuan. Patunay lamang ito na tahimik at payapang namuhay noon ang kabihasnan ng Indus.

Hirarkiya ang uri ng kanilang lipunan, kung saan ang mga mga pari ang namumuno sa kanila. Sa mataas na moog nakatira ang mga may katungkulan sa lipunan, at sa ilalim naman ng moog ang mga ordinaryong indus gaya ng mga magsasaka at mga karpintero.

Sumasamba sila kay Mother Goddess bilang kanilang Diyos. Siya ang Diyos ng mga gustong mag-kaanak. Indus Script kung tawagin ngayon ang kanilang sistema ng panulat. Ito ang kauna-unahang sistema ng panulat na ginamit sa rehiyon ng timog Asya. Karaniwang makikita ang mga Indus Script na nakaukit sa mga tabletang yari sa bato at tanso, sa mga agimat o anting-anting, at sa mga antigong paso.


Sa talaan ng pandaigdigang historya ay wala pang nakakatuklas kung paano basahin at ano ang ibig ipahiwatig ng bawat simbolo na gamit ng mga Indus. Ito ang kadahilanan kung bakit marami ang hindi naisama o naitala sa kasaysayan ng kabihasnan ng mga Indus. Pati ang mga taon namuno sa kanila ay di na rin naisama sa mga talaan.

ang kahalagahan ng sibilisasyon ng indus at ang kabihasnan nilaNoong 1750 B.C.E. ay unti-unti nang gumuho ang kabihasnan ng Indus. Dahil sa hindi malinaw na talaan sa historya ng kanilang kabihasnan. Samu’t sari na kadahilanan ang mga lumabas. May nagsasabing salot ang umubos sa kanila, mayroon namang may pumutok raw na bulkan, ang iba naman ay bumaha. Mayroon din nagsasabi na lumikas raw ang mga Indus sa bandang silangan sa may Pakistan at mayroon rin teorya na lumabas na natuyo daw ang ilog ng Saraswati kaya hindi na sila makapagtanim. Sadyang masalimuot at haka-haka na lang lahat kung bakit unti-unting naglaho ang mga Indus.

Maraming naiambag ang kabihasnan ng Indus sa ating pandaigdigang kasaysayan, kultura turismo, relihiyon, pangkabuhayan, pagsasaka, pangangaso, pangangalakal, sining, pangkalusugan at pagpapaganda at maging sa larangan ng medisina. Ang paggamit ng mga alternatibong medisina at herbal ay galing din sa kanila. Sa makabagong panahon ngayon di sila nahuhuli sa pagtuklas ng maraming mga imbensiyon sa kahit na anumang uri ng larangan.

Mga Ambag ng Kabihasanan ng Indus

1.) Mahabharata- pinakamahabang epiko tungkol sa pakikidigma ng mga indus.
2.) Ramayana – klasikong epiko na nagpapakita ng pagkakabuklod-buklod ng mga pamilyang Indus.
3.) Ayurveda – Agham ng buhay na tumutukoy sa paggamit ng mga dahonn bilang panlunas sa mga sakit.
4.) Sanskrit – Salitang klasik ng mga Indus na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin sa India.
5.) Apat na pangunahing relihiyon sa India ang Sikhisim, Hinduism, Buddhism at Jainism.