Ang kabihasnan o sibilisasyon ng Mesopotamia ay isa sa pinakauna at pinakamatandang kabihasnan na natuklasan sa buong mundo. Ang pangalang Mesopotamos ay mula sa dalawang salitang greek na meso at potamos na ang ibig sabihin ay lupa sa pagitan ng ilog.
Ang kalupaan dito ay napapagitan ng dalawang malaking ilog, ang Tigris at ang Euphrates. Kilala bilang ”fertile crescent” dahil sa pagiging mataba ng anyo ng lupa dito na angkop sa kanilang pagsasaka.
Saan Matatagpuan ang Mesopotamia?
Ang Mesopotamia ay matatgpuan sa Timog-kanlurang Asya. Sa kasalukuyang panahon ito ay ang mga bansang Iraq at Syria. Matatagpuan ang Disyerto ng Arabia sa bandang timog-kanluran nito, Gulpo ng Persiko naman sa may bahagi ng Timog-silangan, Bundok ng Zagros sa silangan at Bundok ng Caucasus naman sa may hilaga.
Ambag ng Kabihasnang Sumer
Sila ang mga pinaka-unang nanirahan sa kapatagang malapit sa ilog ng Tigris at Euphrates. Polytheist ang tawag sa kanila dahil sa paniniwala nila sa maraming Diyos. Ang grupo nila ay pinamumunuan ng mga pari na hari. Ang templo ng Ziggurat ang sentro ng kanilang lungsod.
Kabihasnang Akkad o Akkadian
Ang mga Akkadian ang kauna-unahang nagtatag ng Imperyo sa buong Asya. Sila ay pinamunuan ni Haring Sargon noong sirka 2350 B.C.E. Ang mga imperyo ay binubuo ng isang malaking estado at kaharian. Emperador naman ang tawag sa mga namumuno dito. Bumagsak ang sibilisasyon ng mga Akkad kasabay ng pagkamatay ng Haring Sargon, ang pinakaunang imperyo sa buong daigdig.
Kabihasnang Babylonian
Ang grupo na ito ay pinamunuan ni Haring Hammurabi. Sila ang sumulat ng pinakaunang batas sa kasaysayan, ito ay ang Code of Hammurabi.
Kabihasnang Assyrian
Kinabibilangan ito ng mga malalakas at mababagsik na mga mandirigma. Si Ashurbanipal ang kanilang naging pinuno. Ang lunsod ng Nineveh ang naging simbolo ng kalupitan ng kanilang estado.
Ambag ng Kabihasnang Chaldean
Mga angkan na nanggaling sa mga Babylonia. Sila ay pinamunuan ni Haring Nebudchadnezzar. Naging tanyag ang kabihasnang ito dahil sa pag-gawa nila ng “Hanging Garden of Babylon”.
Kabihasnang Persian
Killala sila bilang mga magagaling na administrador. Si Haring Darius ang pinakadakilang hari ng mga Persians. Sila din ang pumatay dun sa bida sa palabas na 300. Joke lang hehe.
Kabihasnang Phoenician
Isa sila sa mga tribo na sumikat sa karagatan ng Mediterranean Sea. Magagaling silang mga mangangalakal ng mga gamit na yari sa metal.
Hebrew
Sa Palestine ang tahanan ng mga Hebrew. Sila ay pinamunuan ni Haring Saul.
Ambag ng Kabihasnang Mesopotamia
Mahalaga ang kabihasnan ng Mesopotamia hindi lamang sa kasaysayan at pangkulturang kadahilanan. Napakarami ng kanilang naiambag sa ating teknolohiya na hanggang ngayon sa makabagong panahon ay ginagamit pa rin natin.
Halimbawa ng mga ito ay ang mga Matematika, paglimbag ng unang tipan ng bibliya, sampung utos ng Diyos, Prinsipiyo ng Calculator, kalendaryong lunar na may 12 buwan, sining ng pagsulat, at ang cuneiform. Ang kabihasnan ng Mesopotamia ang siya ring nagpakilala ng paggamit ng 22 katinig na alpabeto, pagdidisenyo ng mga pandigmang helmet at mga sandata, paggamit ng timbangan, at pag-oopera.