Ang pangalan ng bansang Tsina ay nagmula sa salitang Chin. Ito ay hango sa pangalan ng kanilang ika-apat na dinastiya kung saan ay nagkabuklod ang mga Tsino.
Sa lahat ng mga umusbong na kabihasnan, ang Tsina ang sinasabing pinakamatanda at nananatili sa buong mundo hanggang sa kasalukuyang panahon.
Mga Ambag Ng Kabihasnang Tsina
- Kaligrapiya – sistema ng pagsusulat gamit ang mga simbolong panlarawan
- Ancestral Worshipping – Pagbibigay alaala sa ating mga yumaong ninuno at pagbibigay alay
- Paggamit ng bronze, jade, porselana at ivory
- Paggawa ng dike, kalsada at mga irigasyon
- Paggamit ng crossbow o pana bilang sandata sa pakikidigma
- Paggamit ng wood block printing
- Mga uri ng pananampalataya gaya ng Buddhism
- Ang Civil service Examination para sa mga kawani ng pamahalaan
- Mga matatalinong prinsipiyo at pilosopiya sa buhay
- Paggamit ng pulbura para sa mga pailaw at bala ng baril
Matatagpuan ang Tsina sa Silangan ng Asya. Pinaliligiran ito ng Disyerto ng Mongolia sa may hilaga, dagat Tsina naman sa timog, Dagat Pasipiko sa may silangan at Kabundukan ng Himalaya at Tibet sa may kanluran. Malawak ang lupain ng Tsina. Ito ay may 9,560,980 kilometrikong parisukat. Sa kasalukuyan, ito ay may populasyon na 1.38 bilyon. Pinakamalaki ito sa buong Silangang Asya.
Ang Tsina ay isang rehiyong pangkultura. Saklaw nito ang maraming bansa sa malaking bahagi ng Silangang Asya. Pinamunuan ng mga dinastiya ang Tsina bago pa dumating ang mga dayuhan galing ng Europa at Amerika. Ang kanilang kabihasnan ay nagsimula sa tabi ng Yellow River o ang Huang Ho.
May labing-anim na dinastiya ang naghari sa rehiyon na ito. Xia o Hsia ang sinasabing pinakaunang dinastiya na namayagpag sa Tsina. Kulang at di sapat ang mga naitalang ebidensiya tungkol sa dinastiya na ito, kaya ito ay tinuturing na lamang na isang alamat sa kasaysayan ng kabihasnan ng China.
Si Shih Huang Di ang pinakaunang Emperador ng Tsina. Napagkaisa niya ang buong Tsina at ipinatupad ang sentralismong uri ng pamamahala. Siya rin ang nagpasimula ng pagpapatayo ng Great Wall of China.
Ang dinastiya ng Han ang pinakadakila sa lahat. Pinamunuan ito ni Liu Bang. Sa pamumuno nito ay dumami ang mga bansang nasakop ng Tsina, kabilang dito ang Manchuria, India at Korea.
Ang dinastiya ng Zhou ang pinakamatagal na namuno sa kabihasnan ng Tsina. Sa panahon na ito lumabas ang mga samu’t-saring aral at pilosopiya sa pamamahala na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin sa makabagong lipunan. Ang dinastiya ng Manchu ang pinakahuli. Ito ay pinamunuan ng mga dayuhang mula sa karatig lugar ng Tsina.